
ππͺπ΄π’π―π¨ ππππ π΄π΅πͺπ€π¬π¦π³, π±πΈπ¦π₯π¦ π―π’ π΄π’ π΅π°ππ π¦πΉπ±π³π¦π΄π΄πΈπ’πΊπ΄ π΄π’ π£πΆπ°π―π¨ ππΆπ»π°π―
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ngayong Martes ng “One RFID, All Tollways,” para sa mas mabilis at hassle-free na biyahe para sa lahat ng mga motorista.
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) na pabilisin ang biyahe ng mga motorista gamit ang isang RFID account sa lahat ng expressway sa buong Luzon.
“Nakikinig tayo sa hinaing ng ating mga kababayan kaya naman nakahanap tayo ng magandang solusyon sa problema. Simula ngayon, iisang RFID stikcer na lang ang kailangan sa lahat ng toll expressways sa Luzon,” pahayag ng Pangulo sa βOne RFID, All Tollwaysβ launch sa Calamba, Laguna.
“Ang repormang ito sa RFID system ay bahagi ng mas malawak nating layunin na gawing moderno, mas konektado at nakatuon sa pangangailangan ng mga Pilipino ang imprastraktura,” dagdag ng Pangulo.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, maaaring pumili ang mga motorista kung ano ang gusto nilang gamitin, ang Autosweep o Easytrip para makadaan sa mga pangunahing expressways tulad ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, C5 SOUTHLINK, at CALAX, gayundin sa TPLEX, Skyway, Skyway Stage 3, SLEX, NAIAX, MCX, at STAR Tollway.
“May stress test na po ito. Ibig sabihin gumagana. Kung may small instance na problema, maaaring baka yung RFID natin defective o check nyo baka meron kayo negative balance,” ani Acting Sec. Lopez.
“Ang ilalagay na One RFID ay sa likod ng windshield, sa loob na po. ‘Yung RFID sa headlights luma na at iyon ang reason why minsan ang barrier natatagalan. So might as well take this opportunity to avail of One RFID at no cost to the motorists,” dagdag ng Kalihim.
Paliwanag ni Acting Sec. Lopez na kung dalawa ang RFID stickers, pwedeng mag-opt in o mag-rehistro online para gawing isa na lang ang RFID account. Pwede ng ipatanggal ang hindi piniling sticker, at itira lang ang isa, AutoSweep o Easytrip.
Libre lang ang pag-opt in o pag-rehistro, pwede din mag walk-in at optional ito. Kung gugustuhin pa rin ng ilang motorista na manatiling dalawa ang RFID accounts nila, maaari din naman.
“Kung masaya na kayo sa current set up nyo ng RFID, hindi na po kailangan mag enroll. Pero sa mga gusto mag enroll, ayaw ng dalawang accounts pwede mag enroll,” ayon kay TRB Executive Director Jose Arturo Tugade.
Sa ngayon ay individual account muna ang pwede sa βOne RFIDβ, pero target ng DOTr na sa unang bahagi ng 2026 ay kasama na ang group o corporate accounts.
Samantala, nagpasalamat si Acting Sec. Lopez sa mga private sectors tulad ng San Miguel Corporation (SMC) Group at Manny V. Pangilinan (MVP) Group sa aniyaβy malaking tulong sa gobyerno dahil binago nila ang kanilang sistema para sa taumbayan.
“With government help, we got the push to go over some technical issues,” tugon ni
Metro Pacific Investments Corporation Chairman, President at CEO Manny V. Pangilinan.
“Kaming dalawa ni MVP full support sa tollways at infrastructure works para mapabuti ang bayan natin,” ayon naman kay San Miguel Corporation Chairman at CEO Ramon S. Ang.
Sinimulan noong 2017, ang Toll Collection Interoperability ay proyekto ng DOTr, Toll Regulatory Board (TRB), Department of Public Works and Highways (DPWH), Land Transportation Office (LTO), katuwang ang SMC Group at Metro Pacific Group.




