Kailangan nang magpakita ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang isang mambabatas, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.
Ginawa ni Gatchalian ang panawagan dahil patuloy pa rin na nagtatago si Dela Rosa matapos ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may warrant of arrest na diumano laban sa police general.
Kapwa akusado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Dela Rosa sa crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng extrajudicial killings diumano sa giyera kontra ilegal na droga.
Kailangan nang magpakita ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang isang mambabatas, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.
“I would ask the staff, meron kasi siyang chief of staff, and then mag-smile lang `yung chief of staff niya sa akin,” ani Gatchalian.
Umaasa naman si Gatchalian na magpapakita si Dela Rosa sa Senado at gawin ang kanyang mandato bilang isang mambabatas.
“I tried to call him many, many times, cannot be reached `yung phone,” ayon kay Gatchalian sa panayam ng ANC nitong Huwebes, Enero 8.
Bagama’t wala pang kumpirmasyon mula mismo sa ICC tungkol sa arrest warrant, hindi na nagpakita sa publiko si Dela Rosa at hindi na rin nagampanan ang kanyang trabaho bilang vice chairperson ni Gatchalian sa Senate Committee on Finance sa deliberasyon ng panukalang 2026 national budget.
Ayon kay Gatchalian, maging ang chief of staff ni Dela Rosa ay walang masabi kung nasaan ang kanilang amo.


