Big man na may big heart! JR Quiñahan sumaklolo sa panahon ng bagyo!

Advertisements

NANAIG ang kababaang l-loob at pagiging matulungin ni dating Rain or Shine big man JR Quiñahan sa panahon ng matinding sakuna at kalamidad matapos na sagipin at tulungan ang kanyang mga empleyado at ilang kapitbahay kahit na mawala at tangayin ng matinding pagbaha ang kanilang mga personal at kagamitan sa hanapbuhay

“Sobrang lakas ng daloy ng tubig nun pero sabi ko, bahala na, kesa mapahamak mga kapitbahay namin lalo na yung mga walang second floor,” pagkukuwento ng dati din miyembro ng NLEX Road Warriors, na nawala ang kagamitan sa negosyo nito na Adobohan ni Quiñahan

Kaya nung nakakita ako ng drum na lumulutang, kinuha ko, dun ko sinakay ibang ni-rescue namin. Tapos hila-hila namin,” sabi nito. “Wala, di ko na inisip na sagipin gamit ko, kasi una kong inisip yung mga tauhan ko at kapitbahay ko. If hindi ko sila tutulungan baka mapahamak, sobrang bilis ng baha, seconds lang napakataas na.”

Ikinuwento ni Quinahan na matapos masiguro na ligtas ang kanyang pamilya sa mataas na lugar kung saan hindi na aabutin ang baha ay agad niya pinuntahan ang mga tauhan at kapitbahay para tulungan laluna ang dalawa nitong pinag-aaral at scholar.

“Nung naihatid ko na pamilya ko sa guard house ng village namin, mataas dun eh, binalikan ko mga tauhan ko sa adobohan ko,” kuwento nito sa naglaho na Adonohan ni Quinahan fastfood kiosk. “Tapos, sabi ko sa mga tauhan ko na may edad na, ‘Balikan natin ‘yung mga kapitbahay natin’, ayun nagpabalik-balik kami.”

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *